METRO MANILA – Naniniwala ang Palasyo na magkakaroon ng pagtaas ng sahod para sa mga guro sa gitna ng nararanasang pandemya.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Sec. Martin Andanar, makikipag-ugnayan ang pamahalaan kay Department of Education Secretary Leonor Briones tungkol sa planong pagtaas ng sweldo.
Dagdag pa ni Andanar, mahal ng pangulo ang mga guro kaya naniniwala itong magkakaroon ng pagtaas sa sahod para sa kanila.
Noong Marso 2021, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na naantala ang planong taasan ang sahod dahil sa COVID-19 pandemic ngunit patuloy naman ang paglikom ng pondo nang sa gayo’y maibigay na sa mga guro ang dagdag-pasahod.
Matatandaang pinakamalaki ang pondong itinaas sa sektor ng edukasyon batay sa inaprubahang 2022 national budget na may P788.5 milyon na kung saan inaasahang gagamitin ito sa mga reporma at mga programang pang-edukasyon.
(Daniel Dequiña | La Verdad Correspondent)
Tags: Teachers
METRO MANILA – Pinamamadali na ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) National Capital Region (NCR) union ang pagbabalik ng tradisyonal na school calendar na nagsisimula sa buwan ng Hunyo.
Layon ng nasabing panawagan na maprotektahan ang mga estudyante at kabataan sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon sa bansa.
Naniniwala naman ang grupo ng mga guro na kaya itong isagawa ng Department of Education (DepEd) kung gugustuhin.
METRO MANILA – Iginiit ng Department of Education (DepEd) na mananatili ang kanilang order hinggil sa pag-aalis ng administrative task sa mga guro sa public schools.
Sa isang panayam sinabi ni DepEd Asisstant Secretary Francis Bringas na masyado pang maaga para sabihing malabo itong maipatupad sa mga paaralan.
Nauna nang kinuwestyon ng Alliance of Concerned Teachers ang hakbang na ito ng DepEd.
Ayon sa grupo, kulang umano ang 10,000 administrative personnel na idineploy ng DepEd kumpara sa kabuong bilang ng public schools sa buong bansa.
Bagaman kinikilala ito ng DepEd, sinabi ng ahensya na maaring gamitin ng mga eskwelahan ang kanilang pondo mula sa maintenace and other operating expenses (MOOE) para makapag-hire ng mga non-teacher personnel.
Tags: DepEd, public school, Teachers
METRO MANILA – Isinusulong sa Kamara ang pagkakaloob ng tax exemption sa public school teachers bilang isang non-wage benefit.
Sa pamamagitan ito ng House Bill Number 9106 na inihain ni Cagayan De Oro City-2nd District Representative at House Committee on Constitutional Amendments Chairperson Rufus Rodriguez.
Sa ilalim ng panukala, lahat ng sweldo, allowances at benepisyong ipinagkakaloob sa public school teachers maging sa mga nasa state colleges at universities sa lahat ng antas, magiging exempted sa witholding taxes batay sa nakasaad sa batas at panuntunan sa witholding taxes.
Ayon sa mambabatas, mahalagang ma-engganyo ng pamahalaan ang pagkakaroon ng pinakamagagaling na guro para sa kapakanan ng mga estudyante.
Kaya naman, dapat magkaloob ang pamahalaan ng kompensasyon at benepisyo para sa kanilang kontribusyon sa lipunan.