Malacañang, tiniyak na maayos ang kalusugan ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | August 19, 2019 (Monday) | 9083

Maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ito ang pahayag ng Palasyo matapos na higit isang linggong walang public engagement ang Punong Ehekutibo.

Una nang sinabi ng Palasyo na naging abala ang Pangulo sa pagpirma ng mga dokumento at pagharap sa private meetings at courtesy calls.

“In fact, he shared to me, alam mo ba na I went out sa motorsiklo, nagmotorsiklo daw siya sa subdivision niya. ‘Di ko na alam kung kahapon or the day before. It only shows na kung nakakapagmotor siya eh ‘di in good health, yun lang ang ibig sabihin nun,” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal  Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,