Malakanyang, inanunsyong may panibagong presidential appointee na tatanggalin si Pangulong Duterte sa pwesto

by Radyo La Verdad | January 2, 2018 (Tuesday) | 2673

Inanunsyo ng Malakanyang na may panibagong presidential appointee na tatanggalin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, bukas niya ito iaanunsyo sa Malacañang press briefing.

Sa loob din ng linggong ito, aniya sisibakin na rin ang mga tauhan at opisyal ng pulisya na una nang binabalang aalisin sa pwesto ng punong ehekutibo dahil sa alegasyon ng katiwalian.

Hindi bababa sa 100 ang mga tauhan at empleyado ng pamahalaan ang dinismiss sa kanilang trabaho dahil sa mga isyu ng katiwalian tulad ng junkets o di makatwirang pagbiyahe sa labas ng bansa gamit ang pondo ng pamahalaan.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,