Malakanyang, itinanggi may direktang partisipasyon si Pangulong Duterte sa operasyon ng pulisya laban sa mga Parajinog

by Radyo La Verdad | August 1, 2017 (Tuesday) | 1230


Naniniwala si Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na may direktang pananagutan si Pangulong Rodrigo Duterte sa insidente.

Subalit mariin itong itinanggi ng Malakanyang. Tanging general instructions lamang umano kaugnay sa paglansag sa illegal drugs groups at mga sangkot dito ang ibinigay ng pangulo sa mga pulis.

Si Parojinog na ang pangatlong alkaldeng nasawi sa war on drugs ng pamahalaan na umanoy mga protektor ng illegal na droga sa kanilang lugar.

Nasawi rin sa anti illegal drugs operation ng PNP noong nakaraang taon sina Datu Saudi Ampatuan Municipal Mayor Samsudin Dimaukom at Albuera Leyte Mayor Rola.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,