Malakanyang, tiniyak na walang magiging white wash sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Carl Arnaiz

by Radyo La Verdad | September 6, 2017 (Wednesday) | 1862

Inilibing na kahapon ang 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz na umano’y nasawi matapos mang-holdap ng taxi driver at manlaban sa mga pulis. Hustisya para kay Carl ang patuloy na panawagan ng kanyang mga kaanak at kaibigan.

Pinawi naman ng Malakanyang ang pangamba ng ilan na may mangyayaring white wash sa imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng PNP sa insidente at may hiwalay na imbestigasyon ding isinasagawa ang NBI.

Samantala hindi pa rin natatagpuan ang katorse anyos na si Reynaldo De Guzman, ang huling nakitang kasama ni Carl noong August 17.

 

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,