Malakas na buhos ng ulan at hangin, nararanasan na sa Catanduanes dahil sa Bagyong Ompong

by Radyo La Verdad | September 14, 2018 (Friday) | 756

Nagsimula na ring maramdaman sa probinsya ng Catanduanes ang bagsik ng Bagyong Ompong.

Sa ngayon ay nararanasan na sa lalawigan ang malakas na buhos ng ulan, at malakas na ihip ng hangin.

Suspendido na ang klase at sa lahat ng antas sa buong Catanduanes; gayundin ang pasok sa trabaho na mga nasa pampublikong tanggapan.

Halos wala na ring mga sasakyan na bumibiyahe sa mga kalsada dahil sa lakas ng buhos ng ulan at ihip ng hangin sa buong lalawigan.

Tags: , ,