Mandatory PhilHealth coverage sa PWDs, aprubado sa Senado

by Radyo La Verdad | July 31, 2018 (Tuesday) | 6607

 

Sa botong 18-0, inaprubahan na kahapon ng Senado ang panukala na gawing otomatiko sa membership sa Philippine Health Insurance (PhilHealth) ang lahat ng persons with disability (PWD).

Sa nasabing panukala, palalawigin ang tulong na ibinibigay sa nasa dalawang milyong PWD sa bansa, kung saan sasagutin ng PhilHealth ang lahat o bahagi ng gastos ng mga ito kapag sila ay naospital.

Kukuhanin sa sin tax revenues ang ipantutustos dito.

Noong 2016, umabot ang koleksyon sa sin tax ng 144.2 bilyong piso ngunit ang subsidiya na inilalaan sa PhilHealth ay umaabot lamang sa 43.8 bilyong piso.

 

(Larawan mula sa Philhealth)

Tags: , ,

Benefit package para sa sakit na Pertussis, inanunsyo ng PhilHealth

by Radyo La Verdad | April 8, 2024 (Monday) | 1960

METRO MANILA – Inianunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may P13,000 na benefit package ang ahensya para sa sakit na Pertussis.

Sakop anila  ang nasa P13,000 hanggang P16,000 na case rate ng kanilang konsulta package sakaling ma-admit sa ospital ang isang pasyenteng may Pertussis o Whooping Cough .

Bukod pa ito sa magiging gastos para sa antibiotics.

Ang konsulta package ng PhilHealth, ay ang primary health care program ng ahensya na nag-o-offer ng libreng consultation, laboratory tests at mga gamot.

Dagdag pa ng PhilHealth, sakaling mag-develop sa Pneumonia ang sakit ng pasyente maaari rin silang makapag-avail ng case rate package na aabot sa P90,000.

Tags: , ,

Pinalawig na Price Cap sa Senior Citizens at PWD discounts, epektibo na simula sa Lunes

by Radyo La Verdad | March 22, 2024 (Friday) | 11635

METRO MANILA – Ipapatupad na sa Lunes ang pinalawak na price cap sa mga basic necessities at prime commodities.

Ito ay matapos pirmahan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ang joint administrative order para sa 5% discount ng mga Senior Citizens at Persons With Disability (PWD).

Kung saan mas malaki na ang kanilang matitipid sa mga produkto na kanilang bibilhin.

Ayon sa (DTI), mga local na produkto ang karamihang pasok sa diskwento at aplikable na rin ang 5% discount sa pagbili online.

Nilinaw naman ng DA na hindi kasama sa diskwento ang mga Kadiwa store, mga barangay micro business at mga kooperatiba na naka rehistro sa Cooperative Development Authority.

Tags: , , ,

Mammogram at Ultrasound screening, magiging libre na sa July – PhilHealth

by Radyo La Verdad | March 14, 2024 (Thursday) | 2259

METRO MANILA – Nangako ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na magiging libre na ang Mammogram at Ultrasound screening sa mahigit 2,000 accredited hospitals sa buong bansa pagdating ng Hulyo.

Layon ng programa na matulungan ang mga kababaihan sa early detection at pag-iwas sa breast cancer at iba pang mga sakit.

Parte ito ng pagpapalawak ng primary care benefits sa ilalim ng konsulta package ng ahensya.


Tags:

More News