
METRO MANILA, Philippines – Suportado ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng mandatory ROTC sa Senior High School.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Bernard Banac, makatutulong ito sa mga kabataan para maging handa sakaling nais ng mga ito na pumasok sa PNP o sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Malaki din aniya ang maitutulong ng ROTC para maging handa ang mga kabataan sakaling kailanganin ng pamahalaan ang dagdag pwersa sa panahon ng kalamidad.
“Kung saka sakaling may pangangailangan na magpatawag tayo ng reserba, hindi lamang sa segurdidad kundi pati sa pag responde sa mga disaster, calamities and emergencies.” Ayon kay Police Col. Bernard Banac, Spokesperson ng PNP.
Sa isang pahayag, sinabi naman ng Department of National Defense na makatutulong ang mandatory ROTC upang mahubog ang mga kabataan sa pagmamahal sa bansa, pagrespeto sa karapatang pantao at pagiging mabuting mamamayan.
Naniniwala din ang kagawaran na kailangan ng bansa ang pagkakaroon ng mga kabataang responsable, disiplinado at handang maglingkod sa bansa.
Pasado na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill number 8961 na layong buhayin ang mandatory ROTC sa Senior High School.
(Lea Ylagan | UNTV News)
Tags: AFP, Mandatory ROTC, PNP
METRO MANILA – Bumaba ang bilang ng krimen sa Davao City ngayong taon batay sa record ng Davao City Police Office.
Mula January hanggang May 2024, umabot lamang sa 1,759 ang naitalang crime incident sa lungsod na mas mababa sa kaparehong period noong nakaraang taon na 1,831 cases.
Nangunguna parin dito ang mga kaso ng pagnanakaw, pagpatay at rape.
Bumaba rin ang bilang ng mga naiuulat na index crime ngayong 2024 tulad murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.
Ayon sa Davao City Police, ang pagbaba ng krimen ay dahil sa maigting na pagpapatupad ng police operation at peace and order sa lungsod.
Sa kabila rin ito ng isyung kinaharap ng Davao City PNP tulad sa paghahanap sa Religious Group Leader na si Apollo Quiboloy at sa kamakailang pag-relieve sa 35 pulis sa kanilang dako.
Patunay lamang ito na nanatili paring isa sa safest city sa Asia ang Davao City.
Tags: crime rate, Davao, PNP
METRO MANILA – Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan laban sa paggawa ng bomb jokes dahil maaaring ma-deny ang kanilang pagpasok sa bansa, o kaya naman ay ma-deport.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, hinihikayat ng ahensya ang mga foreigner na iwasan gumawa ng anomang pahayag o biro na maaaring ituring na banta sa seguridad.
Inilabas ng ahensya ang pahayag matapos na maantala ng 5 oras ang Japan-bound flight ng Philippine airlines PR412 matapos na makatanggap ng bomb threat call ang airport authority mula sa hindi nagpakilalang babae.
Tags: BI, Bomb Jokes, PNP
METRO MANILA – Ipinagbabawal na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaroon ng tattoo sa lahat ng uniformed at non-uniformed personnel nito.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, mayroong polisiya ang PNP na nagbabawal sa paglalagay ng tattoo sa katawan lalo na yung nakalabas sa uniporme.
Hindi naman tatanggapin ng PNP ang mga aplikante na mayroong tattoo kahit na nakatago ito sa katawan.
Binalaan naman ng pulisya ang mga hindi susunod sa polisiya na burahin ang mga visibile na tattoo sa katawan na isasailalim sila sa imbestigasyon.