
Sakay ng Philippine Airlines Flight PR 103, dumating na sa bansa kanina si Pambansang Kamao Manny Pacman Pacquiao matapos ipanalo ang title match laban kay Timothy Bradley sa MGM Grand Garden Arena sa Nevada, U.S.A.
Kahit pagod sa biyahe, ngiti ang isinalubong ni Pacman sa kanyang mga taga suporta.
Sa panayam ng media kay Manny sinabi niyang masaya siya ngayon dahil makakasama na niya ang kanyang pamilya
Masaya din siya sa naabot ng kanyang career.
Ngayong araw ay nagsagawa ng motorcade para kay Pacquaio.
Bukas naman ay uuwi na si Pacman sa General Santos City kasama ang kanyang pamilya.
Ayon kay Pacquiao pangunahing dahilan ng kanyang pagreretiro ay ang kanyang pamilya.
At kung edad naman pagbabasehan pabirong sagot ni Manny.
Ayaw namang magkomento ni Pacman sa posibilidad na bumalik siya sa ring upang harapin si Floyd Mayweather Jr.
Bukas naman ang Pambansang Kamao sa paglahok sa olympics kung papayagan siya.
Nagpasalamat naman si Manny Pacquiao sa Sambayanang Pilipino sa pagsuporta sa kanya sa lahat ng kanyang naging mga laban.
(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)
Tags: Manny Pacquiao, Tim Bradley

Pinahuyan ni Senator Manny Pacquiao si Bureau of Corrections Chief Nicanor Faeldon na mag-leave muna sa trabaho habang humaharap sa pagdinig sa Senado.
Sa isang pahayag, sinabi ng Senador na ito ay para hindi madamay sa kahihiyan ang Pangulo at ang administrasyon sa kinakaharap na isyu ngayong ng BuCor.
Maaari pa rin naman aniya itong bumalik oras na matapos na ang isyu sa kuwestiyonableng pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance o GCTA sa mga preso.
Bukas (September 5) ipagpapatuloy pa ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig sa nasabing isyu.
Muling natahimik ang mga lansangan, mapa main road o mga eskinita sa Metro Manila habang isinasagawa ang laban nina Philippine Pride Manny Pacquiao at Argentinian boxer na si Lucas Mattysse.
Naabutan ng UNTV ang kumpulan na ito ng mga residente mula sa Barangay 254 Zone 23, Bambang, Maynila na tutok na tutok sa panonood sa boxing match.
Kuwento ni Allan, sa tuwing may laban si Pacquiao ay lagi itong kumukuha ng pay per view para live na napapanood ng mga kasangbahay at kapitbhay ang laban at para hindi na daw kailangan pang lumayo upang makapanood lang.
Mapa bata o matanda tutok na tutok sa panonood sa laban. Sabayang paghiyaw naman ang maririnig sa tuwing mapapatumba ni Pacquiao si Matthysse.
Pigil ang hininga ng mga manunuod sa tuwing tatamaan ng kalaban sa Pacquiao ngunit sigawan naman kapag nakakabawi ito.
Kahit pa bahagyang inulan ang public viewing ng laban ay hindi pa rin natinag ang mga manunuod.
Nang ma-knockout ng Pambansang Kamao sa ikapitong round ang kalaban nito, matinding hiyawan at lumulukso pa sa tuwa ang mga fans.
Tuwang-tuwa at proud ang mga fans dahil sa panibagong tagumpay ni Pacman matapos ang ilang taon.
( JL Asayo / UNTV Correspondent )
Tags: Lucas Mattysse, Manny Pacquiao, Pinoy fans

Excited na ang ating pambansang kamao na si Senador Manny Pacquiao para sa nalalapit na boxing fight kay Jessie Vargas sa Las Vegas, Nevada.
Sa kanilang pre-fight press conference, sinabi ni Pacquiao na ramdam na rin niya ang pananabik at pagkauhaw sa panalo ng kalaban niyang si Vargas.
Mas bata ng sampung taon at agresibo si Vargas kaya matinding paghahanda ang ginagawa ni Pacquiao.
Nangako rin ang dalawang boksingero na bibigyan nila ng magandang fight ang mga manonood sa darating na araw ng Linggo.
Tags: Jessie Vargas, Las Vegas, Manny Pacquiao