Maraming Ghanaians natatakot dahil sa pagtanggap ng Ghana Gov’t sa 2 Yemeni na pinalaya mula Guantanamo Bay Detention Facility

by Radyo La Verdad | January 13, 2016 (Wednesday) | 1577

GHANA
Hindi sang-ayon ang maraming Ghanaians sa desisyon ng pamahalaan nito sa tanggapin sa kanilang bansa ang dalawang Yemeni National na pinalaya mula sa Guantanamo Bay Detention Facility sa America.

Natatakot ang mga ito na pagsimulan ito ng terrorist acts sa kanilang bansa.

Enero 6 nang tanggapin ng ghana government ang dalawang detainees na sina Mahmud Umar Muhammed Bin Atef at Khalid Muhammed Salih Al-Dhuby parehong Yemenis.

Nahuli sa Afghanistan ang dalawa at hinihinalang may kaugnayan sa Taliban at Al Qaeda Group

Nakulong ang mga ito nang 14 na taon sa guatanamo bay sa amerika ngunit hindi nakasuhan at nadesisyunang mapalaya noon pang 2009

Hindi maibalik ang mga ito sa Yemen dahil sa mga kaguluhan sa lugar kaya naghanap ng ibang bansa ang Amerika na tatanggap sa mga ito

Kinukyestion naman ng marami kung bakit hindi kinunsulta ng pamahalaan ang parliament gayong nakasaalang-alang dito ang national security ng bansa at kung bakit inilihim ang naging usapin patungkol dito

Binalewala umano ng pamahalaan ang Anti-Terrorism Act ng Ghana na nagsasabing hindi dapat pahintulutan ang sino mang makapasok sa bansa na naugnay sa paghahasik ng terrorismo.

Nangagamba ang maraming Ghanaians na maaring magdulot ito ng panganib sa kanilang bansa

Ayon naman kay Ghana Foreign Affairs Minister Hannah Tetteh, hindi kinakailangan mag-alala ng mga Ghanaian sa pagtanggap ng dalawang Yemeni dahil wala umanong panganib ang mga ito sa seguridad ng Ghana.

Sabi pa ni Tetteh na sa buong dalawang taon ng pamamamalagi ng dalawa magpapatuloy ang surveillance na ginagawa sa kanila ng pamahalaan at pagkatapos ng dalawang taon ay maari nang umalis ang mga ito sa bansa.

(Michael Laraya/UNTV News)

Tags: ,