May-ari ng Gream Funeral Homes, nasa NBI custody na

by Radyo La Verdad | January 27, 2017 (Friday) | 844


Nasa custody na ng National Bureau of Investigation ang may-ari ng Gream Funeral Homes kung saan dinala umano ang bangkay ng Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Sinasabing humingi ng protective custody si Santiago sa NBI sa pagbabalik nito sa bansa mula Canada.

Si Santiago na isang dating pulis at kasalukuyang barangay captain sa Caloocan ay dumating kaninang umaga sa Ninoy Aquino International Airport mula Toronto.

Tags: