Mayor Isko Moreno, ipinag-utos ang pag-inspeksyon sa lahat ng dormitoryo sa Maynila

by Erika Endraca | August 13, 2019 (Tuesday) | 2246
PHOTO : My Place . PH

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno na inspeksyunin ang lahat ng dormitoryo sa lungsod, bago ang pagsisimula ng pasukan sa mga unibersidad.

Noong nakaraang Linggo nilagdaan ng alkalde ang Executive Order number 25 na nag-uutos na inspeksyunin ang lahat ng dormitoryo, boarding house, room-for-rent at iba pang paupahan sa Maynila.

Ito ay matapos mahuli ang isang Landlord dahil sa paninilip sa kanyang 15 babaeng tenant sa pamamagitan ng pag-video mula sa isang camera na isinilid sa likod ng orasan sa loob ng banyo.

Sa kanyang kautusan, isang komite ang mangangasiwa sa naturang pag-inspeksyon upang masiguro na sumusunod sa safety standards ang mga dormitoryo katulad na lamang ng Building Code, Fire Code at Ordinance Number 4765 na nagtatakda ng mga patakaran at regulasyon sa mga dormitoryo sa Maynila.

Sang-ayon naman ang mga estudyante at iba pang tenant ng ilang dormitoryo.

(Harlene Delgado | Untv News)

Tags: ,