Mayor Junjun Binay at Acting Mayor Kid Peña, kapwa iginigiit na sila ang alkalde ng Makati City

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 704

binay-peña edited
Patuloy na nagmamatigas ngayon sina Mayor Junjun Binay at Acting Mayor Kid Peña na sila ang lehitimong alkalde ng Makati City.

Naninidigan si Mayor Binay na siya pa rin ang alkalde ng lungsod sa bisa ng temporary restraining order na inilabas ng Court of Appeals na pumipigil sa anim na buwang preventive suspension na ipinataw sa kanya ng Ombudsman.

Sa panig naman ni Peña, naniniwala ito na siya ang acting mayor ng lungsod matapos ipatupad ng DILG ang suspension order laban sa alkalde.

Panawagan ni Peña kay Binay, dapat na tumalima ito sa kautusan ng Ombudsman ngunit ayon naman kay Binay, sumusunod lamang siya sa isinasaad ng rule of law.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0