Mayor Sara Duterte, dumalo sa thanksgiving lunch ni Speaker Arroyo

by Radyo La Verdad | July 31, 2018 (Tuesday) | 4854

Nagkita sa isang thanksgiving lunch sina Presidential daughter at Davao City Mayor Sarah Duterte at bagong talagang House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Seda Hotel kahapon.

Dumalo rin sa pagtitipon ang ilang kongresista at iba pang mga pulitiko na sumuporta sa paghihirang kay Rep. Arroyo bilang house speaker.

Ayon kay 3rd District of Negros Occidental Representative Albee Benitez, nagbigay ng talumpati si Speaker Arroyo at nagpasalamat sa lahat na sumuporta sa kanya.

Payo ni Arroyo sa mga kongresista na balik trabaho na ulit at kinakailangan ituloy ang mga legislative agenda ni President Rodrigo Duterte.

Hindi naman aniya nagbigay ng talumpati si Mayor Duterte pero nakihalubilo ito sa mga bisita.

Nang tanungin si Benitez kung may pinag-usapan sa pagtitipon tungkol sa mga political issues o alliances, idiniin nito na thanksgiving lunch lang ang naganap.

 

( Charlie Barredo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,