Mayorya ng mga Pilipino, tiwala pa rin kina PBBM at VP Duterte — survey

by Radyo La Verdad | May 22, 2024 (Wednesday) | 2462

METRO MANILA – Tiwala pa rin ang nakararaming Pinoy kina Pangulong Ferdinand Marcos Junior at Vice President Sara Duterte batay sa pinakabagong survey ng Octa Research.

Sa kabila ito ng malaking ibinaba ng trust at performance ratings ng 2 pinakamataas na opisyal ng bansa.

Sa resulta ng tugon ng masa nationwide survey na isinagawa nitong nakaraang Marso, nakakuha ng 69% na trust rating ang pangulo, at 68% naman ang performance rating nito.

Mas mababa ito sa 75% trust at 74% na performance ratings na kanyang nakuha noong Disyembre.

Mas malaki naman ang ibinaba ng ratings ni Vice President Duterte sa kaparehong survey. 68% na lamang ng mga Pinoy ang tiwala kay VP Sara mula sa dating 77%, habang 64% na lamang ang kontento sa performance nito mula sa dating 75%.

Isinagawa ang survey mula March 24 hanggang 27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents edad 18-years old pataas.

Tags: ,