MCGI, ginawaran ng outstanding Non-LGU award ng Negros Occidental Gov’t dahil sa mga isinasagawang blood donation drive

by Radyo La Verdad | August 8, 2017 (Tuesday) | 1846

Muling binigyan ng pagkilala ng Provincial Government ng Negros Occidental, Department of Health at Negros First Provincial Blood Center ang Members Church of God international sa ginanap na the Provincial Sandugo Award 2017 sa SMX Convention Center, Bacolod City.

Iginawad ng Provincial Government ng Negros Occidental sa MCGI ang outstanding Non-LGU award dahil isa ang grupo sa may pinakamaraming nai-donate na bag ng dugo.

Noong 2016 tinatayang nasa halos tatlong daang bag ng dugo ang naibigay ng MCGI sa DOH at Negros Blood Center sa pamamagitan ng isinasagawa nitong quarterly blood donation drive.

Ang Provincial Sandugo Awards ay isinasagawa tuwing ika-tatlong taon upang bigyang pagkilala ang mga grupo at indibidwal na patuloy na sumusuporta sa boluntaryong pagdodonate ng dugo upang makasagip ng buhay ng tao.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na napagkalooban ng Provincial Sandugo Award ang MCGI Negros Occidental Chapter.

 

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,