MCGI, tumulong sa Brigada Eskwela sa mga paaralan sa buong Metro Manila

by Radyo La Verdad | May 29, 2018 (Tuesday) | 4113

Nagtulong-tulong ang grupong Members Church of God International (MCGI)  sa paglilinis sa iba’t-ibang paaralan sa Metro Manila kahapon.

Kabilang na rito ang General Roxas Elementary School, Nangka Elementary School, Ninoy Aquino Senior High School, Pasig Central Elementary School, Manuel L. Quezon Elementary School, Ramon Avancenia High School at Francisco Felix Elementary School.

Kinilala naman ng mga school head ang ginawang pakikiisa ng MCGI.

Ang MCGI ay patuloy na nakikiisa sa brigada eskwela mula ng inilunsad ito ng Department of Education (DepEd) bilang paghahanda sa pasukan.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,