MCGI-UNTV Health Facility na may isolation rooms, binuksan na sa Malolos, Bulacan Ngayong araw

by Erika Endraca | October 6, 2020 (Tuesday) | 3527

METRO MANILA – Pinasinayaan na ang Members Church of God MCGI-UNTV Health Facility sa Malolos Bulacan na magagamit bilang quarantine facility ng mga kababayan natin na may mild at Covid-19 cases.

Ito ay may 32 isolation rooms na magagamit para sa mga probable at mild Covid-19 patients na ie-endorso ng lokal na pamahalaan.

Mayroon namang 5 full time doctors, 22 nurse at 11 non medical personnel na tututok sa kalagayan ng mga pasyente.

Ang MCGI-UNTV health facility ay bukas na ngayong araw (October 6) at libre ang pananatili ng mga probable at mild Covid-19 patients.

Nagpapasalamat naman si Bulacan Governor Daniel Fernando sa MCGI at UNTV dahil sa kahanga hangang health facility.

“I would like to congratulate ang ating untv, Kuya Daniel, Bro eli, sa inyong pagsusumikap na mabigyan ng magandang pagtakbo ng buhay ang ating lalawigan ng bulacan. So, napakaganda po at nagpapasalamat tayo sapagka’t nasusuportahan ninyo ang provincial government of Bulacan tungo sa mga magagandang proyekto ng ating lalawigan.” ani Bulacan Gov. Daniel Fernando.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: