MCGI volunteers, muling dinalaw ang mga residente sa Elder Care Facility sa Perth, Australia

by Radyo La Verdad | August 14, 2018 (Tuesday) | 3456

 

PERTH, AUSTRALIA – Sa ikalawang pagkakataon, nagkaisa ang Members Church of God International (MCGI), Perth chapter na dalawin at magbigay ng aliw sa mga matatandang kinukupkop sa Aegis Care Hilton Park sa Western Australia.

Ito ay bilang pakikiisa sa adbokasiya ni Mr. Public Service, Kuya Daniel Razon na makagawa ng mabuti sa kapwa kahit sa isang araw lang.

Isang musical entertainment program ang inihanda ng MCGI volunteers para sa kanila. Tuwang-tuwa ang mga matanda, gayundin ang kanilang mga bisita.

Hindi napigilan ng ilan na sumabay sa kantahan at sayawan. Naaliw naman ang mga matatanda sa Elder Care Facility sa programang inihanda para sa kanila ng MCGI.

Isang Filipina ang clinical manager sa naturang Elder Care Facility na si Guia.

Ayon kay Guia, kakaiba ang kasiyahang idinulot ng pagdalaw ng MCGI sa mga matatanda na kanilang kinukupkop.

 

( Aileen Sillano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,