Menor de edad na biktima ng pambugbugbog sa Davao City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | November 26, 2018 (Monday) | 3265

Duguan ang ulo ng binatang vendor na ito ng datnan ng UNTV News and Rescue sa isang tindahan sa Aliongto St., sa Mamay Road, Davao City.

Ayon sa biktima, binugbog siya ng hindi niya nakikilalang grupo ng mga lalaki. Kinilala ito na si Roy Alonzo, 16 anyos  na tubong indangan Davao City.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, napagkamalan si Alonzo na kasapi ng myembro ng kalabang grupo kay ito nabugbog. Nagtamo si Alonzo ng hiwa sa ulo at tenga.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue ang pinsalang tinamo ng biktima at pagkatapos ay dinala na ito sa Southern Philippines Medical Center.

Nahuli naman ng mga pulis ang 6 sa walong nambugbug sa biktima habang nakatakas naman ang 2 sa mga ito.

Ngunit dahil sa menor de edad pa ang mga suspek, hindi pa maaaring sampahan ang mga ito ng kaso.

Kaya naman hinihintay pa ang mga guardian at magulang ng mga ito para sa maaaring kaharaping parusa.

 

(Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

Tags: , ,