Meter live wallpaper para sa Android, inilabas na

by Radyo La Verdad | October 7, 2015 (Wednesday) | 1031

android wallpaper

Bagong experimental feature ang inilabas ng Google Creative Lab para sa mga Android devices kung saan ang isang interactive wallpaper ay mabilis na nagpapakita ng notifications sa mga users.

Inilabas Miyerkules ika-7 ng Oktubre ang ‘Meter’, isang app na nagpapakita ng 3 magkakaibang wallpapers kapag ang isang Anroid device ay naka-unlock. Ipinapakita nito ang ilang updates kagaya ng battery life, WiFi connection at kung ilang notifications mayroon ang isang device.

Ayon sa mga developers, nalalaman ng device ang kalagayan nito sa isang buong araw at maaaring mabago ang wallpaper display kapag nagalaw ang device.

Ang Meter ay maaari nang magamit sa lahat ng Android devices at maaari nang mai-download mula sa Google Play Store.