Mga aktibong pulis, bawal magnegosyo ng pasugalan — PNP

by Erika Endraca | August 21, 2019 (Wednesday) | 5229

MANILA, Philippines – Inihayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na bawal ang mga aktibong pulis na magnegosyo Small Town Lottery (STL) sa ilalim ng PNP code of manual.

Paliwanag ni PNP Chief, magkaroon ng conflict of interest ang mga pulis kapag nagnegosyo sila nito dahil maaapektuhan anv kanilang trabaho.

Ang mga STL ay madalas kasing ginagamit para i-cover up ang Jueteng operations.

“Hindi po pwede ‘yon. Remember, stl is a form of gambling. Hindi po pwede ‘yon sa amin. If you are active in service, mayroon pong tinatawag na conflict of interest because you are enforcing the law.” ani PNP Chief, PGen. Oscar Albayalde.

Tags: ,