Mga beep card posibleng magamit na rin sa mga bus ngayong taon

by Radyo La Verdad | June 15, 2016 (Wednesday) | 663

BEEP-CARD
Tinatrabaho ngayon ng mga city bus operators na magamit na sa lalong madaling panahon ang mga beep card sa mga city bus sa Metro Manila.

Sa ilalimi ng Automatic Fare Collection System o AFCS, mga card na lamang gaya sa MRT at LRT ang gagamitin na pambayad sa mga bus sa Metro Manila.

Ang mga card na ito ay maaaring maloadan at magamit rin kapag sasakay ng MRT at LRT, ang beep card ay katulad ng octopus card na ginagamit sa Hong Kong.

(UNTV RADIO)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: