Mga chop-chop na motorsiklo na binebenta online, nakumpiska ng mga pulis

by Radyo La Verdad | September 27, 2018 (Thursday) | 828

Nagulat si Ricardo Morales nang makita niya na ang nawawala niyang motorsiklo ay ibinibenta na online. Agad siyang nakipag-ugnayan sa mga pulis at doon na naaresto ang anim na suspek.

Depensa naman ng nagbenta ng spareparts na motorsiklo online, binili lang niya ang kinatay na motorsiklo sa kanyang kaibigan  sa halagang dalawang daang libong piso, wala aniya siyang kaalam-alam na nakaw ito.

Aminado naman ang dalawang kaibigan ni John Henry na nagbebenta sila ng katay na motorsiklo.

Narecover naman ng PNP ang mga spareparts na ibinebenta ng mga suspek.

Sa ngayon, inaalam pa ng PNP kung sino ang mga kasabwat pa ng suspek sa pagbebenta ng chop-chop na motorsiklo sa Bulacan.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

Tags: , ,