Mga jeepney driver, ipinanukalang gawing contact tracers – Malacañang

by Erika Endraca | June 4, 2020 (Thursday) | 708

METRO MANILA – Ipinanukala na gawing contact tracers ang mga jeepney driver na pinangangambahang mawalan ng trabaho ayon Malacañang.

Ito ang sagot ng palasyo nang tanungin kung ano ang plano ng pamahalaan sa libo-libong drivers ng jeepney na hindi pinahihintulutang mamasada kahit niluwagan na sa General Community Quarantine ang Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang ito sa natalakay ng pamahalan gayundin ang panukalang magkaroon ng complete reconfiguration sa mga jeepney para masunod ang minimum health standards laban sa coronavirus disease.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: ,