Mga kabataan, hinikayat ni Sec. Dionisio Santiago na makiisa sa kampanya kontra droga ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | August 14, 2017 (Monday) | 3392

Naniniwala si DDB Chairman Sec. Dionisio Santiago na malaki ang maitutulong ng mga kabataan sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Bilang pinakamalaking sector ng lipunan, hinikayat niya ang mga kabataan na maging pangunahing depensa laban sa iligal na droga.

Ito ang mensahe ng pinuno ng Dangerous Drugs Board sa libo-libong kabataan na nagtipon-tipon sa para sa pagdiriwang ng International Youth Day kahapon.

Ayon sa opisyal, ang mga kabataan din ang may pinakamalaking impluwensiya sa hinaharap ng bansa kaya mahalaga na maproteksyonan ang mga ito sa impluwensiya ng iligal na droga.

Katunayan, ang mga kabataan aniya ang pangunahing tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayan niya kapag binabantaan nitong papatayin ang mga drug lord.

 

(Rajel Adora / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,