Mga kandidata ng Ms. Scuba Philippines 2018, ipinakilala sa publiko

by Radyo La Verdad | September 13, 2018 (Thursday) | 378

Labing-anim na kandidata mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang maglalaban-laban para sa titulong Ms. Scuba Philippines ngayong taon. Kahapon ay ipinakilala na sa media ang nagagandahang Ocean Ambassadors.

Isinusulong ng mga kandidata ang marine conservation, safe diving practices at sustainable marine tourism.

Present din sa media presentation kahapon ang Ms. Scuba Philippines winners noong isang taon.

Ayon kay Ms. Scuba Philippines 2017 Sherlyn Doloriel, isa sa mga problemang nakita niya sa loob ng isang taong paglilibot at pag-aaral sa kalagayan ng ating karagatan ay ang plastic pollution.

All out support din sa mga bagong kandidato si Ms. Scuba International 2015 at UNTV “The Dive” host Cindy Madduma.

Si Cindy ang kauna-unahang Filipina na nanalo sa nasabing international pageant.

Malaki ang pasasalamat ng beauty queen sa UNTV sa pagkakataong ibinigay sa kanya na maging isa sa mga host ng programang “The Dive”.

Aniya, nakatulong ito sa pagsusulong ng kanyang adbokasiya na pangalagaan ang karagatan.

Ang Ms. Scuba Philippines 2018 coronation night ay isasagawa sa Chaos, City of Dreams Manila sa ika-3 ng Oktubre.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,