Mga kanseladong biyahe ng international at domestic flights sa bansa, nadagdagan dahil sa APEC summit

by Radyo La Verdad | November 11, 2015 (Wednesday) | 588

philippine airlines (3)
Nadagdagan pa ang mga kaseladong biyahe ng domestic at international flights ng Philippine Airlines at Cebu Pacific dahil sa gaganaping Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa bansa.

Batay sa anunsyo ng PAL, karagdagang dalawang daan at walumpung (280) domestic flights at pitumpu’t walong (78) international flights ang kinansela habang tatlong daan animnapu’t limang (365) domestic at dalawampu’t siyam (29) na international flights naman ang kinansela pa ng Cebu Pacific.

Ang mga dagdag sa kanseladong flights ay may schedule mula Nobyembre a-kinse hanggang a-bente uno.

Ang mga pagkansela ng mga biyahe ay para bigyang daan ang pagdating ng mga delegado sa APEC summit.

Tags: , , ,