Mga major flood control project sa Metro Manila, hindi inaasahang matapos ngayong taon

by Radyo La Verdad | June 22, 2015 (Monday) | 3774

SEC ROGELIO SINGSON
Pinayuhan ng Department of Public Works and Highways ang mga pamilyang nakatirang malapit sa mga pumping station at drainage na iwasan ang pagkakalat ng basura lalo na ngayong malapit ng mag-tag-ulan.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, huwag umasa na matatapos kaagad ang mga flood control project sa Metro Manila.

Bukod sa mga malalaking flood control project sa Mandaluyong at Blumentritt patuloy ang isinasagawang clearing operations ng DPWH katulong ang ibang ahensya ng pamahalaan sa siyam na major water ways sa kalakhang Maynila.

Kabilang dito ang san juan river, maricaban pasay at tondo.

Ayon pa sa kalihim, upang makapagsagawa sila ng dredging at river walls improvements sa mga naturang lugar……

kinakailangan nilang i-relocate ang 19 na libong informal settler, ngunit sa kasalukuyan ay nasa pitong libo pa lamang ang nare-relocate

Nakikipagtulungan ang DPWH sa mga Local Government Unit, MMDA at iba pang ahensya upang paigtingin ang paglilinis sa mga drainage bilang paghahanda sa papalapit na tagulan.

Tags: