Mga mall operator sa kahabaan ng EDSa, pumayag sa suhestiyon ng MMDA na i-adjust ang mall hours ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | November 30, 2015 (Monday) | 557
File photo:

File photo:

Pumayag ang ilang mall operator sa kahabaan ng EDSA na i-adjust ang kanilang mall hours simula bukas, December 1 upang mapagaan ang trapiko

Sa isang pulong na ginawa sa opisina ng MMDA, labinlimang mall operator ang pumirma sa isang manifesto ng pagsuporta sa pag-aadjust ng oras ng mall hours ngayong holiday season.

Kabilang dito ang Robinsons, SM Malls, Ayala, Shangri-la Plaza, Farmers Plaza, Gateway Mall, Greenfield Development Corp., Eastwood City, The Podium, Eton Centris at Walter Mart.

Kasama rin sa kasunduang nilagdaan ang pagbibigay ng abiso ng mga mall operator sa mmda kung magkakaroon sila ng mga sale at special event upang makapagpatupad ng kauukulang traffic scheme.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,