Mga mangagawang pumasok ngayong Labor Day, makatatanggap ng double pay – DOLE

by Radyo La Verdad | May 1, 2019 (Wednesday) | 3093

METRO MANILA, Philippines – Makatatanggap ng double pay ang mga manggagawa na pumasok ngayong araw ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE.

Paliwanag ng DOLE dahil regular holiday ang Labor Day kahit hindi pumasok ang isang empleyado sa trabaho ay makatatanggap pa rin ito ng 100% ng kaniyang sweldo.

Kung pumasok naman ang manggagawa, makatatanggap ito ng 200% na sahod para sa pagtatrabaho ng walong oras sa isang araw.

Kapag sumobra naman sa walong oras ang trabaho ay makatatanggap ito ng dagdag ng 30% sa kaniyang hourly rate.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,