Mga manonood ng Songs for Heroes 3 benefit concert mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa, maagang nagtungo sa Pasay City

by Radyo La Verdad | October 31, 2017 (Tuesday) | 214

Ika-pito pa ngayong gabi nakatakdang mag-umpisa ang Songs for Heroes 3 sa Mall of Asia Arena. Pero as early as 1:30 kaninang hapon, dumating na sa Pasay City ang ilan sa mga kababayan natin na galing pa sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon tulad ng mga probinsya ng Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at iba pa.

Hindi napigilan ng makulimlim at maulang panahon ang pagsuporta ng ating mga kababayan sa Songs for Heroes 3.

Layon nitong bigyang-pugay ang kabayanihan at kagitingan ng mga pulis at sundalong nakipaglaban upang mapalaya ang Marawi City sa pagkubkob ng mga terorista.

Ang magkaibigan namang senior citizens na sina Aling Nilda at Marina, ala una y media pa lang ng hapon, naka-standy na sa MOA. Nagbaon pa sila cake at kamote habang naghihintay sa pag-uumpisa ng concert.

Sa kasalukuyan ay dagsa na ang mga manonood sa nasabing concert at excited na rin ang karamihan, katunayan ay nabaon pa sila ng mga panyo dahil tiyak na aapaw ang emosyon ngayong gabi sa loob ng Mallof Asia Arena.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Leave a Reply