Mga nairehistrong SIM sa bansa, lagpas na sa 100M – NTC

by Radyo La Verdad | June 23, 2023 (Friday) | 3164

METRO MANILA – Umabot na sa mahigit 100 milyon ang mga nairehistrong Subscriber Identity Module (SIM) sa bansa.

Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), 100,048,884 na ang registered SIM as of June 20, 2023.

59.55% ito ng 168,016,400 na active SIMs sa bansa.

Sa July 25 ang extended deadline sa pagpaparehistro ng SIM.

Tags: ,