Mga nanood ng “Isang Araw, ikatlong yugto” sa Japan, nakita ang sarili sa mga karakter sa pelikula

by Radyo La Verdad | September 15, 2017 (Friday) | 3754

Isa ang kababayan nating si Alfredo na isa na ngayong Tokyo resident, sa mga nakapanuod ng pelikulang Isang Araw, ikatlong yugto ni Kuya Daniel Razon sa ginanap na international movie screening nito sa Japan kamakailan. Aniya, nasasalamin niya ang kaniyang dating buhay habang pinanunuod ito.

Ilan pa sa mga manunuod ang nagsabing nakita nila ang kani-kanilang sarili sa mga karakter sa pelikula. Ibinahagi ng mga ito ang kanilang naging repleksyon at ang aral na natutunan mula rito.

Maging si Consul General Jocelyn Ignacio ng embahada ng Pilipinas sa Japan ay humanga sa konsepto ng pelikula. Malaki aniya ang maitutulong nito sa manunuod upang matututo rin namang magbahagi ng mabuti sa iba.

 

(Roldan Maborrang / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,

PBBM, handang magpadala ng tulong sa Japan

by Radyo La Verdad | January 3, 2024 (Wednesday) | 12751

METRO MANILA – Nag alok na ng tulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan.

Sa kanyang pahayag sa social media platform na X, sinabi ng pangulo na handa siyang magpadala ang anomang klaseng assistance at support kasunod ng malakas na lindol noong Lunes (January 1, 2024).

Mahigpit din aniya ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Japanese government upang matiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga Pilipino doon.

Tags: ,

Japanese PM Kishida, tiniyak na itutuloy ang suporta sa PH Economic & Social Dev’t.

by Radyo La Verdad | November 6, 2023 (Monday) | 9920

METRO MANILA – Tiniyak ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio sa special session ng 19th Congress nitong Sabado November 4 ang patuloy na suporta ng Japan sa economic at social development ng Pilipinas.

Kabilang sa assistance ng Japan sa Pilipinas ay ang kauna-unahang subway system kung saan sinabi ng prime minister na proud ito na maging bahagi ang kanyang bansa sa nasabing proyekto.

Dagdag pa nito, kumpara sa mga nakalipas na panahon, mas maigting ngayon ang ugnayan ng Japan at Pilipinas.

Binigyang-diin ng Japanese Premier ang Foreign Policy ng kaniyang bansa na pagtibayin pa ang ugnayan nito sa Pilipinas at ASEAN.

Muli ring iginiit ni Kishida ang commitment ng Japan upang mapanatili at mapatatag ang free at open international order batay sa rule of law.

Nabanggit din nito ang commitment na paigtingin ang kooperasyon ng 2 bansa sa isyu ng climate change, proteksyon sa maritime order at freedom of the sea.

Tags: , ,

Japan, may alok na trabaho para sa mga Pilipino – OVP

by Radyo La Verdad | May 5, 2023 (Friday) | 12264

METRO MANILA – Maraming mga trabaho ang naghihintay sa mga Pilipino sa Japan.

Ito ang sinabi ng Office of the Vice President (OVP), kasunod ng pagbisita ni Japanese Minister for Health, Labour and Welfare Katsu-Nubo Kato kay Vice President Sara Duterte.

Kabilang umano sa mga kailangan ng Japan ay caregivers, nurses, at skilled workers. 

Napag-usapan din ng OVP at Japanese delegation ang pagpapatibay sa edukasyon at ekonomiya ng Japan.

Ibinahagi ni Japan International Cooperation Agency (JICA) Representative Saka-Moto Takema ang iniaalok nilang education development training.

Kabilang din sa natalakay ang pagsulong sa public-private-partnership.

Tags: , ,

More News