Mga natatanging produksyon at pangalan sa film industry, kikilalanin sa “The Eddys 2018”

by Radyo La Verdad | June 6, 2018 (Wednesday) | 1261

Sa ikalawang pagkakataon, muling pararangalan ang mga nag-stand out sa film industry ng bansa sa “The Eddys Awards”. Ito ay pinili ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

At noong Linggo, tinanggap na ng mga nominado ang kanilang certificate of recognition.

Ito ay sa labingapat na kategorya tulad ng best original theme song, best in sound design, best musical scoring, best visual effects, best editing, best production design, best cinematography, best screenplay, best supporting actor, best supporting actress, best actor, best actress, best director at best film.

Present sa nominees night ang pambansang WISH Bus kung saan excited na sumakay ang mga nominado at ilang bahagi ng programa.

Samantala, magkakaroon naman ng ilang karagdagang special awards para sa taong ito.

Ang The Eddys 2018 Awards night ay isasagawa sa ika-9 ng Hulyo sa produksyon ng WISH 107.5.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,