Mga opisyal ng PhilHealth, nagsumite na ng courtesy resignation

by Radyo La Verdad | June 12, 2019 (Wednesday) | 175

METRO MANILA, Philippines – Nagsumite na ng courtesy resignation ang lahat ng board members ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Pero ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa pormal na tinatanggap ng Pangulo ang pagbibitiw ng mga ito.

Pero bukod sa naturang mga opisyal hihilingin din umano ang pagbibitiw ng tatlumpu’t limang area at Regional Vice Presidents ng ahensya para tumugon sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na clean slate sa PhilHealth.

Tiniyak naman ng kalihim na hindi maapektuhan ng naturang hakbang ang serbisyo ng Health Insurance Agency.

Isang Dr. Jaime Cruz naman ang nais ng Pangulo na maging susunod na Presidente ng Philhealth.

Tags: , ,