Mga pawikan sa Bataan, unti-unti ng nawawala dahil sa mga poacher

by Radyo La Verdad | November 27, 2017 (Monday) | 3316

Ngayong buwan ay ipinagdiriwang ang Pawikan Festival sa Morong, Bataan. Bukod sa magarbong sayawan at pagperform ng mga kabataan ng magagandang tunog mula sa mga kawayan ay nagpakawala din sila ng nasa isandaang maliliit na pawikan sa karagatan. Ginagawa ang mga ganitong aktibidad para mapangalagaan ang mga pawikan.

Ayon sa Bataan-Peninsula Tourism Council Foundation, unti-unti ng nawawala ang mga pawikan. Isa sa malaking banta sa buhay ng pawikan ay ang mga poachers o ang mga iligal na kumukuha ng itlog nito at dahil sa kanilang pananamantala ang mga pawikan ay unti-unti ng nawawala.

Paliwanag ng Tourism Council, nagkakaroon ng problema sa ecological balance dahil sa pangangaunti ng mga pawikan.

Ang pawikan ay bumabalik sa baybayin pagkatapos ng mahigit dalawampung taon kung saan sila hinatch at para mangitlog. Nasa mahigit isaandaang itlog ang inilalabas ng isang pawikan. Taong 1999 binuo ang Bantay Pawikan upang mapangalaan ang mga ito.

Nananawagan naman sa publiko ang Tourism Council na ipagbigay-alam agad sa kan ilang tanggapan kung may nalalamang mga poachers na magbebenta o kukuha ng mga itlog ng pawikan.

 

( Joshua Antonio / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,