Mga Pilipino sa Amerika, nanawagan ng hustisya para sa lahat ng biktima ng war on drugs

by Radyo La Verdad | August 28, 2017 (Monday) | 5306

Nagsama-sama ang ilang grupo ng mga Pilipino sa New York bilang pagkondena sa sinapit ni Kian Lloyd Delos Santos, ang menor de edad na nasawi sa anti-illegal drugs operation ng mga pulis sa Caloocan City. Para sa kanila, nakakabahala ang sinapit ng binata.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang ilang mga Pilipino sa Chicago sa nangyayaring patayan sa Pilipinas na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon. Giit ng mga ito, hindi ang pagpatay ang susi para matigil ang paglaganap ng iligal na droga.

Sa harap naman ng konsulada sa Los Angeles, nagtipon-tipon ang National Alliance for Filipino Concerns. Panawagan ng mga ito, tigilan na ang patayan at maging ang war on drugs. Para sa ilang mga Pilipino sa Amerika, ang kanilang pinagsama-sama boses ng paghingi ng hustisya ay hindi lamang para kay Kian kundi para sa lahat ng mga biktima ng hindi makatwirang pamamaslang.

 

(Jihan Malones / UNTV Correspondent)

Tags: , ,

ICC, ibinasura ang apela ng PH gov’t na itigil ang drug war probe sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | July 19, 2023 (Wednesday) | 14101

METRO MANILA – Hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) appeals chamber ang hiling ng Pilipinas na huwag nang ituloy ang imbestigasyon sa war on drugs at ang isyu ng Davao death squad ng nakaraang Duterte administration.

Tatlong huwes ng ICC appeal chamber ang bumuto pabor at 2 naman ang dissenting o tutol.

Ayon pa sa ICC appeals chamber, hindi isyu ng hurisdiksyon ang naging basehan sa desisyon kundi walang mali sa naging desiyon ng kanilang pre-trial chamber na payagan ang prosecutor na ituloy ang imbestigasyon.

Kabilang sa mga dahilan o ground bakit gusto sana na pamahalaan na huwag ituloy ang pag-iimbestiga ng ICC ay dahil wala itong hurisdiksyon sa Pilipinas matapos tayong kumalas noong 2019.

Ayon naman sa grupong human rights watch, ang desisyon ng ICC judges ay susunod na hakbang para mga biktima ng war on drugs.

Dapat din aniyang patunayan ng Marcos administration ang commitment sa pagtataguyod ng human rights at makipagtulungan sa imbestigasyon.

Tags: ,

Sen. Go, natanong kung makatutulong sa PNP si Ex-Pres. Duterte bilang drug czar

by Radyo La Verdad | May 24, 2023 (Wednesday) | 12236

METRO MANILA – Natanong ni Senator Christopher Bong Go, kung makatutulong ba kung sakaling gawing Drug Czar si Dating Pangulong Rodrigo Duterte upang  masugpo ang pagkakasangkot ng mga pulis sa iligal na droga.

Natanong ito ng senador sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs nitong Martes, sa P6.7 Billion drug haul na kinasangkutan ng ilang pulis.

Ayon kay Go, sayang naman ang war on drugs campaign ni Dating Pangulong Duterte, kung babalik ang paglaganap ng iligal na droga.

Para naman kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda. Jr., susuportahan niya ang anomang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Tags: ,

Pilipinas, iaapela ang desisyon ng ICC sa imbestigasyon sa war on drugs

by Radyo La Verdad | February 10, 2023 (Friday) | 9896

METRO MANILA – Iaapela ng pamahalaan ng Pilipinas ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na muling ituloy ang imbestigasyon sa war on drus ng nagdaang administrasyon.

Sa 5 pahinang notice na ifinile ngayong Pebrero, sa pangunguna ni Solicitor General Menardo Guevarra, ipinahayag ng pamahalaan ng Pilipinas sa ICC appeals chamber ang pagnanais na i-apela  ang ruling.

Muli namang iginiit ng abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas at tanging sa domestic courts lamang nito haharapin ang anomang kasong isasampa laban sa kanya.

Tags: ,

More News