Mga Pilipinong nasa Middle East na nais umuwi ng Pilipinas maaaring makipag-ugnayan sa Embahada

by Erika Endraca | January 8, 2020 (Wednesday) | 1714
PHOTO BY: EPA-EFE\ABEDEN TAHERKENARE

METRO MANILA – Nanawagan si Philippine Ambassador to Iraq Edsel Barba sa ating mga kababayan sa Middle East na nais nang umuwi ng Pilipinas na agad makipag ugnayan sa kanila.

Handa umano ang mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa Middle East na tulungan ang mga Pinoy na agad makauwi ng bansa sa gitna ng tensyong nangyayari sa pagitan ng Amerika at Iran.

Para sa mga nasa Iraq maaring tumawag sa numerong 0781-606-6822, 0751-616-7838, 0751-876-4665 at 0750-810-5240.

Sa mga nasa Riyadh naman ang numerong maaring tawagan ay 011-480-1918 at 056-989-3301.

At sa mga Pilipino sa Syria tumawag lamang po sa ating embahada doon sa numerong +963 011 613 2626.

Maaari ring mag e-mail o makipag-ugnayan sa mga Facebook account ng mga embahada ng Pilipinas sa inyong bansa. 

(Grace Casin | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: