Mga posibleng tumestigo sa illegal drug operation sa Bilibid, nakausap na ni Justice Sec. Aguirre

by Radyo La Verdad | August 3, 2016 (Wednesday) | 1926

RODERIC_AGUIRRE
Tiniyak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na tuloy ang isasagawang imbestigasyon sa talamak na illegal drug operation sa New Bilibid Prison.

Ayon sa kalihim, mayroon na siyang mga nakausap na posibleng maging testigo kabilang na dito ang tatlong gwardiya mula sa Bilibid.

Nakatakda ring pumunta sa kanyang opisina ang ilang kinatawan ng isang non-government organization upang magsabi ng nalalaman nito sa iligal na operasyon.

Kabilang sa bubuo sa fact finding panel ay dalawang undersecretaries at ilang miyembro ng DOJ Prosecution Service kasama ang NBI at PNP.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa ito masimulan dahil wala pang appointment papers ang dalawang USec na makakatulong niya.

Tags: ,