Mga produktong petrolyo, may bawas-presyo ngayong araw

by Jeck Deocampo | December 18, 2018 (Tuesday) | 1103

METRO MANILA – May panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ng ilang kumpanya ng langis simula ngayong araw.  ₱0.10 hanggang  ₱0.15 ang mababawas sa presyo kada litro ng gasoline at ₱0.25 hanggang ₱0.30 naman sa diesel at kerosene.

 

Unang nagpatupad ng price rollback ang Caltex at Eastern Petroleum kaninang hatinggabi.  Sinundan naman ito ng Shell, Petron, Seaoil at ilan pang major oil player kaninang alas-6:00 ng umaga.

 

Bago ito ay nagpatupad ang Seaoil at Phoenix Petroleum noong Sabado ng ₱0.15 na rollback sa kada litro ng gasolina ang samantalang ₱0.30 sa diesel at kerosene.

 

Ayon sa oil industry players, posibleng magtuloy-tuloy pa ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo hanggang katapusan ng 2018 dahil sa mataas na supply.

Tags: , ,