Mga pulis na bantay sa nakatakas na opisyal ng PNP na umano’y lider ng KFR group, iniimbestigahan na

by Radyo La Verdad | October 9, 2018 (Tuesday) | 2090

Pinaiimbestigahan na ni PNP Chief Oscar Albayalde ang mga pulis na nagbabantay kay PSupt. Johnny Orme, ang awol na opisyal ng PNP na umanoy lider ng kidnap for ranson group.

Ayon kay chief PNP, nakatakas si Orme matapos na payagan ng mga bantay nito na umuwi ng bahay at kumuha ng damit bago itransfer sa Cagayan Provincial Police Office mula sa Gonzaga Police Station.

Si Orme ay nahuli noong ika-6 ng Oktubre, Sabado alas otso ng gabi sa pampang ng Brgy. Callao Gonzaga Cagayan.

Si Orme ang umano’y lider ng Orme-kidnap for ransom group ang sinasabing responsable sa pagkidnap kay Carlos Tan, isang casino junket operator noong ika-21 ng Oktubre 2017.

Tags: , ,