Mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19, umakyat na sa 106

by Erika Endraca | September 3, 2021 (Friday) | 4001

METRO MANILA – Umakyat na sa 106 ang mga nasasawi sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil sa COVID-19.

Kabilang sa mga nasawi ay ang 2 pulis na mayroon nang 1st dose ng bakuna.

Si patient number 105 ay 54 years old, 1 police executive master sergeant at nakatalaga sa Region 5.

Bakunado na ito ng first dose ng Sinovac.

Habang si patient number 106 naman ay 25 yrs. old, may ranggong patrolman at nakatalaga sa Region 1.

Nabakunahan na rin ito ng first dose ng AstraZeneca.

Sa kabuoan nasa 34,972 na ang nagkaroon ng infection ng COVID-19 sa PNP.

32,844 dito ang nakarecover ngunit mayroon pang 2,022 na active cases ang PNP kabilang ang 219 na naitalang bagong kaso.

(Zy Cabiles | Laverdad Correspondent)

Tags: ,