Mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian Llyod, irerekomenda ng IAS na sampahan ng kasong administratibo

by Radyo La Verdad | August 23, 2017 (Wednesday) | 2090

Sasampahan ng kasong administratibo ng PNP Internal Affairs Service ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian Delos Santos. Natukoy ang mga pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz, PO1 Jeremias Pereda at Caloocan City Police Chief Chito Bersaluna.

Kinumpirma ng IAS na dalawa sa apat na pulis ang umamin na sila ang nasa CCTV na may bitbit kay Kian. Kukunan ng affidavit ang mga pulis upang mapagkumpara kung tutugma ang kanilang mga testimonya.

Isang summary hearing ang isasagawa ng PNP para dito. Syam na pung araw isasagawa ang pagdinig bago mag labas ng resolusyon kung guilty o hindi ang mga sangkot na pulis.

Bukod sa apat na pulis, nag-iimbistiga pa ang IAS sa siyam pang pulis na kasama sa operasyon.

 

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,