Mga residente ng brgy. Muzon, SJDM Bulacan, tutol sa muling pagtatayo ng water tank

by Radyo La Verdad | October 11, 2017 (Wednesday) | 466

Tinutulan ng mga residente ng barangay Muzon San Jose del Monte, Bulacan ang muling pagtatayo ng SJDM Water District ng tangke ng tubig sa kanilang lugar.

Ayon sa kaanak ng mga nasawi sa trahedya, takot na sila na maulit ang insidente. Nais nilang sa ibang lugar na lang na malayo sa mga residente ito itayo.

Kaya naman ipinatigil na ng lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng tangke ng water district sa likurang bahagi lamang ng sumabog na water tank.

Samantala, nag-inspeksyon din kahapon ang structural engineer upang pag-aralan ang nangyaring pagsabog.

 

Tags: , ,

Leave a Reply