Putik pagkatapos ng baha, perwisyo sa mga residente ng San Mateo, Rizal

by Radyo La Verdad | August 14, 2018 (Tuesday) | 2572

SAN MATEO, RIZAL – Humupa na ang tubig baha sa San Mateo Rizal dahil sa bahagyang paghina ng ulan simula pa kahapon. Ngunit pagkatapos nito ay perwisyo naman ng makapal na putik ang iniwan ng tubig baha sa kanilang lugar.

Mula sa kalsada maging sa loob ng kanilang mga bahay ay makikita ang makapal na putik.

Sa Barangay Banaba ay umaabot ng hanggang tuhod ang putik kaya naman pahirapan kahit sa paglalakad ang mga residente doon.

Ayon sa ilang residente, kadalasang inaabot sila ng tatlong araw bago tuluyang malinis ang mga iniwang putik at kalat ng baha.

Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), hindi pa rin maaaring makauwi ang nasa mahigit apat na libong pamilya o mahigit dalawampu’t isang libong indibidwal na nananatili pa rin sa mga evacuation center.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,