Mga residenteng nakauwi na sa Marawi City, nakaramdam na ng ginhawa sa unang gabi sa kani-kanilang tahanan

by Radyo La Verdad | October 30, 2017 (Monday) | 5276

Walang mapaglagyan ng tuwa ang mga residente ng Marawi City sa pagbabalik nila sa kani-kanilang mga tahanan sa Brgy. Basak Malutlut. Sa unang gabi ng kanilang pagtulog ay ramdam nila ang kaalwanan, hindi gaya noong nasa evacuation center pa sila.

Bagama’t komportable na sa kanilang pagbabalik, hindi pa rin sila nakatulog ng maayos sa unang gabi dahil pa rin sa takot. Ang iba naman, nakitulog muna sa kaanak dahil wala pa ring kuryente at tubig sa kanilang tahanan.

May tumanggap rin ng limang libong financial assistance ng DSWD kaya maari nang makapag-paconnect ng kuryente at tubig.

Sa ngayon ay patuloy na nag-iikot ang mga barangay officials sa bawat lugar sa Marawi upang matiyak ang  kaligtasan ng mga nagsibalik na residente .

 

( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,