Mga sangkot umano sa illegal drugs operation sa Region 11, iniimbestigahan na

by Radyo La Verdad | July 14, 2016 (Thursday) | 1396

NBI
Biniberipika na ng National Bureau of Investigation ang impormasyon ng mga taong kabilang umano sa listahan ng mga sangkot sa illegal drugs operation sa Region 11.

Ayon kay NBI Regional Director Arnold Rosales, nakatanggap sila ng direktiba mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang matrix ng iligal na operasyon.

Sa kanilang monitoring, sumuko na noong nakaraang linggo ang ilang miyembro ng illegal drugs group sa Davao Del Norte.

May pending operation naman sila sa Davao Oriental at Del Sur sa mga drug dealer na tumangging sumuko sa mga otoridad.

Umaasa ang NBI na mas marami pang drug dependents at high value targets ang susuko sa mga otoridad sa gitna ng mas maigting na kampanya kontra krimen at iligal na droga ng Duterte administration.

(Janice Ingente / UNTV Correspondent)

Tags: , ,