Mga sasakyang bibiyahe kahit walang plaka, sisitahin na simula April 1

by monaliza | March 24, 2015 (Tuesday) | 909

IMAGE_UNTV-NEWS_07302014_NEW-PLATE-NUMBER-LTO

Simula sa April 1 ay hindi na papayagang bumiyahe ang lahat ng bagong sasakyan na wala pang plaka at hindi pa rehistrado.

Ayon sa DOTC, mahigpit nilang ipatutupad ang ‘no plate, no travel’ policy para na rin sa kaligtasan ng ating mga kababayang bibiyahe sa long holiday ngayong Abril.

Sa tala ng kagawaran, mataas ang bilang ng aksidente kapag bakasyon dahil marami ang bumibiyahe pauwi sa mga probinsya.

Muling hinikayat ng DOTC ang car owners na kunin na ang kanilang mga plaka dahil available na umano ang mga ito.

Pinayuhan rin nila ang car dealers na huwag maglalabas ng sasakyan kung hindi kumpleto ang dokumento gaya ng official receipt at certification of registration.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,