Mga security guard na nagpapanggap na pulis para mag-solicit sa mga stakeholders, ipa-eentrap ng PNP- SOSIA

by Radyo La Verdad | December 4, 2018 (Tuesday) | 1528

Naglabas na ng memo ang pamunuan ng Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (SOSIA) noong ika-5 ng Nobyembre hinggil sa pagbabawal sa mga tauhan nito na mag-solicit ngayong holiday season.

Ito’y matapos na makatanggap ng tatlong sumbong ang mismong hepe ng SOSIA na mayroong mga nagpanggap na mga tauhan nito upang magsolicit sa kanilang mga stakeholders para sa kanilang party.

Kabilang sa mga stakeholders ng SOSIA ay ang mga security agencies at training centers.

Babala ni SOSIA Enforcement Management Division Chief PSupt. Jaime Santos, ipa-eentrap nila ang sino mang manghihingi ng pera at mga gamit para umano pang raffle sa party ng SOSIA.

 

 

Tags: , ,